Lunes, Agosto 22, 2011

mga kakaiba, pambihira at da best na hayop ng bansa!

Marami na tayong nakitang iba't ibang hayop sa ating mga lugar o nayon.
Sa katunayan maraming mga hayop na hindi napapansin ang iba naman ay unti-unti ng nauubos.
Ngunit mayroon paring mga natitirang talaga namang masasabing katangi-tangi at dapat na ipagmamalaki.
Ito ang ilan sa mga pambihirang hayop sa Pilipinas:
1. Tarsier




=Tarsius Sayrichta o Carlito Sayrichta
o mas kilala sa Visayan/Cebuano na Maumag at Mamag naman sa mga taga Luzon
2. Philippine Monkey Eating Eagle (Philippine Eagle)
=Pithecophaga Jefferyi
3. Pandaca Pygmea
= o mas kilalang Dwarf Pygmy Goby
4. Pilandok (Mouse Deer)
=Chevrotains at kabilang sa pamilya ng Tagulidae
5. Philippine Serpent Eagle
=Spilomis Holospilus
6. Philippine Hawk Eagle
=Nisaetus Philippensis
7. Tamaraw
 =Bubalus Mindorensis o Mindoro Dwarf Buffalo


kaw na da best ka!

Mabuhay ang Buwan ng Wika!
Mabuhay ang Wikang Pambansa!
At syempre mabuhay rin ang ama ng Wikang Pambansa!
Narito ang halimbawa ng ginawa namin ng aking mga kagrupo para sa Buwan ng Wika:
Wikang Filipino: Wika nating Lahat

Wika sa Luzon, Visayas at Mindanao
Iba-iba man, ito'y pinagbuklod ng isang wika
Sa buong Pilipinas, Wikang Filipino'y naging panlahat
Filipino diyan, Filipino doon, kahit saan ito'y nagkalat.

Di pagkakaintindihan nawa'y mawaglit
Sapagkat ito'y nagsisilbing ating pasakit
Matinding pagkakaisa ating makamit
Wikang Filipino, bigkasin ng paulit-ulit

Pambansang Wika, ito'y ating sandata
Laban sa mga libo-libong problema
Wikang Filipino, ito'y ating maging lakas
Sa ating pagharap sa kinabukasan ng bansa.
Wikang sariling atin, tayo na't pagyamanin
Pagiging malansang isda, atin ng wakasin
Wikang Filipino, ito'y ating maging ilaw
Tanglaw sa pagtahak sa matuwid na landas.